SANTUARIO DI SANTA MARIA DELLA FONTE

Caravaggio

APRIL 5, 2026, ORE 09:30

1. Ang mga Tao ay hahatiin. Ang mga babae ay tutungo sa lugar kung nasaan ang estatwa ng Mahal na Ina (BVM)- Main Gate Entrance.

At ang mga lalaki ay tutungo kung nasaan ang estatwa ng Panginoong Muling Nabuhay o Risen Lord (RL)-harap ng Crucifixion Statue.

2. Magsisimula ang pagdarasal ng SANTO ROSARIO. Ang mga Namumuno sa Rosario ay magdarasal doon sa lugar ng pagmimisahan kung saan ang microfono ay maririnig sa mga Speakers sa paligid ng Santuario. 

3a. Lalakad ang mga Babae sa pagdarasal ng “Hail Mary” sa Unang Misteryo ng Luwalhati. Susundan nila ang rutang ito.

3b. Lalakad ang mga Lalaki sa pagdarasal ng “Hail Mary” sa Unang Misteryo ng Luwalhati. Susundan nila ang rutang ito.

4. Darasalin ang Santo Rosaryo hanggang sa dumating ang mga Estatwa sa kanilang lugar sa harap ng paggaganapan ng Santa Misa.

5. Pagkatapos ng Salve Regina, magsisimula na ang Ritwal ng Salubong.

Pari: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
B: Amen.

 

Pari: Tunay na nabuhay ang Panginoon. Aleluya! Sumasakanya ang kaluwalhatian at kapangyarihan magpasawalang hanggan. Ang kapayapaan ng buhay na Panginoon ay sumainyo!
B: At sumaiyo rin.

Pari: Dapat nga tayong magalak at magpasalamat sa Diyos Ama at kay Hesukristong Anak Niya. Hinugasan sa dugo ni Hesukristo ang kasaamaan ng sangkatauhan. Noong unang panahon, iniligtas ng Diyos ang kanyang bayan mula sa pagkaalipin, itinawid sa dagat, at inihatid sa pangakong bayan. Sa bukang liwayway na ito ating ipinagdiriwang ang paglaya natin mula sa pagiging alipin ng kasalanan at ang pagtawid ni Hesukristo – kasama tayo mula sa kamatayan patungo sa kanyang pagkabuhay. Ipagdiwang natin ang dakilang pag-ibig ng Diyos na nagpasyang tayo’y tubusin at ang kanyang malasakit sa atin sa pamamagitan ni Hesukristo.

Pakinggan natin ngayon ang salaysay ng muling Pagkabuhay

Choir: ITO ANG ARAW
(with Male Soloist)

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak

1. Magpasalamat kayo sa Panginoon
Butihin S’ya, Kanyang gawa’y walang-hanggan
Sabihin ng sambayanan ng Isarael
“Walang-hanggan, Kan’yang awa!”

2. Kanang kamay ng Diyos sa ‘ki’y humango
Ang bisig N’ya sa ‘kin ang tagapagtanggol
Ako’y hindi mapapahamak kailanman
Ipahahayag ko, luwalhati N’ya

3. Ang aking Panginoon, moog ng buhay
S’ya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo.
Kahanga-hanga sa aming mga mata
Gawain N’ya, purihin S’ya

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo’y magsaya at magalak

6. Matapos ang unang awit, IINSENSUHAN NG PARI ANG MGA IMAHEN habang inaawit ang “Reyna ng Langit.”

Choir: REYNA NG LANGIT
(Eddie Hontiveros, SJ)

Reyna ng Langit, magalak ka! Aleluya, Aleluya!
Reyna ng Langit, magalak ka! Aleluya, Aleluya!
Sapagkat si Hesukristo ang Anak mo, Aleluya!
Sapagkat si Hesukristo ang Anak mo, Aleluya!

Magmuli Siyang nabuhay! Aleluya, Aleluya!
Magmuli Siyang nabuhay! Aleluya, Aleluya!

Ipanalangin kaming makasalanan.
Ipanalangin mo, Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Pari: Matuwa ka at magalak, O birheng Maria, Aleluya.
Bayan: Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya.

Pari: Manalangin tayo,  O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak na si Hesukristong Panginoon namin, minarapat mong paligayahin ang mundo. Hinihiling namin sa iyo na alang-alang sa Birheng Maria na kanyang Ina ay makamtan namin ang kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan din ni Kristong aming Panginoon kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

7. AALISIN ANG LAMBONG NG BIRHEN

8. Matapos alisin ang lambong ng Birhen.

Pari: Bilang tanda ng pakikihati sa galak at saya ng ating Mahal na Ina sa Muling Pagkabuhay ng Kanyang Anak na ating Tagapagligtas ay pumalakpak tayong lahat.

9. Matapos ang palakpakan, gagawin ngayon ang PAGSASAYAW ng Pagbati

10. Ihahatid ngayon ang dalawang Estatwa sa kanilang lugar sa harap ng altar. At pupunta na sa altar ang Pari at mga Seriales.

11. Magpapatuloy ang Santa Misa sa pag-awit ng PAPURI SA DIYOS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *