
Ang sipi tungkol sa pagtukso kay Hesus sa ilang ay iniuugnay ang ating Panginoon sa Israel ng Lumang Tipan.
Sila ay ipinaghahambing sa mga bersikulong ito.

Pangkalahatang mga Tala
Ang salaysay tungkol sa pagtukso kay Hesus sa ilang ay iniuugnay ang ating Panginoong sa Israel ng Lumang Tipan.
Ang ilang (o disyerto) ay hindi isang lugar na pasyalan o pantagpong romantiko. Ito ay lugar na puno ng panganib.
- Tirahan ng mababangis na hayop
- Takbuhan ng mga tulisan at mga tinapon ng lipunan
- Pinaniniwalaan ng mga Hudyo na ito ay ang lugar ng mga demonyo.
Ang ilang ang naging lugar kung saan sinubok ang bayang Israel(cf. Deuteronomio 8, 2)
Ngunit hindi katulad ng Israel ng Lumang Tipan, si Hesus ay naging matagumpay laban sa pagsubok.

Pangkalahatang Tala #2
Pati ang apatnapung (40) araw ng pag-aayuno ni Hesus ay may kabuluhan sa Israel ng Lumang Tipan.
Ang dalawang tao na sumasagisag sa Batas at mga Propeta ng Israel, sina Moises at Elias, at nag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi.
- Si Moises ay nag-ayuno habang isinusulat ang Sampung (10) Utos sa bato (cf. Exodo 34, 28).
- Si Elias ay nag-ayuno ng parehong haba ng panahon habang naglalakad siya patungo ng Horeb (cf. 1 Hari 19, 8)
Ang pag-aayuno ni Hesus ay ayon sa dalawang tradisyon na ito

Pangkalahatang Tala #3
Ang salaysay na ito ay isa sa mga pinaka-banal sa lahat ng salaysay sa Ebanghelyo dahil wala itong maaaring panggalingan maliban kay Hesus mismo.
- Walang mga testigo sa kaganapan na ito. Walang maka-aalam nito kundi si Hesus lamang.
- Wala pa siyang mga alagad noong nangyari ito.
- Marahil ay minsan naisalaysay ni Hesus sa kanyang mga alagad ang napakapersonal na karanasan na ito.

- Pangkalahatang Tala #4
Sa mga sandali na si Hesus ay tinutukso, batid na niya ang kanyang di-pangkaraniwang kapangyarihan. Ang mga uri ng tukso na dumating kay Hesus ay maaari lamang dumating sa isang taong may pambihirang kapangyarihan.
- Kailanman ay hindi tayo matutukso na gawing tinapay ang bato, dahil imposible namang magawa nating yun.

Pangkalahatang Tala #5
Huwag nating isipin na ang mga tukso ay dumating at dumaan kay Hesus na parang mga eksena sa isang palabas.
- Sa halip, si Hesus ay tahasang tumigil sa ilang at sa loob ng apatnapung araw ay pinag-isipan at pinagnilayan niya ang hamon kung paaanong maakit ang mga tao.
- Ito ay isang mahabang labanan na aabot hanggang sa krus, kaya nga ang salaysay ay nagwakas na and demonyo ay “iniwan siya at naghanap ng ibang pagkakataon” upang tuksuhin siya.

v.1 Si Hesus ay nasa impluwensiya ng Espiritu Santo.
Puspos siya ng Espiritu Santo pagkagaling niya mula sa Binyag sa Jordan.
- Ang pagkapuspos niya ng Espiritu Santo ay bunga ng pagpanaog sa kanya ng Espiritu Santo sa kanyang binyag (Luc 3, 21-22). Handa na siyang sugpuin ang diyablo.
- Kung papaano ang Espiritu Santo ay prominente sa simula ng pagmiministro ni Hesus (Luc 4, 1. 14. 18), gayun din sa simula ng panahon ng Simbahan sa Mga Gawa (Gawa 1, 4; 2, 4. 17)
v.1 Ang Espiritu, at hindi ang demonyo, ang naghatid sa kanya sa ilang.
- “Dinala” – nagpapatuloy na pangyayari – si Hesus ay patuloy na ginagabayan ng Espiritu Santo sa pagtigil niya sa ilang.
- Kapansin-pansin na sa maikling bersikulong ito, dalawang beses binanggit ang Espiritu Santo. Binigbigyan ni Lucas ng diin ang pagkilos ng Espiritu Santo.

v.2 Itong tagpo dito sa ilang ay hindi isang enkwentrong “nagkataon” (o tsamba) lang.
Ang pagbanggit ng “apatnapung araw” ay nagpapaalala ng apatnapung taon na paggala ng mga Israelita sa ilang noong Exodo (Dt 8, 2).
Ang panunukso ay nangyari sa tatlong lugar:
- Sa ilang
- Sa mataas na bundok
- Sa taluktok ng templo ng Jerusalem
Sa bawat pagkakataon, si Jesus ay hinahamon na patunayan na siya ay “Anak ng Diyos.”
- Sa bawat pagkakataon sinasagot ni Hesus ang nanunukso sa pamamagitan ng Kasulatan mula sa Deuteronomio.
- Hindi ni minsan hinarap ni Hesus ang tanong tungkol sa kanyang pagiging “Anak ng Diyos.” Ngunit lagi niyang ipinakita na siya ay TAPAT sa Ama, hindi katulad ng Bayang Israel.

Ang tukso na lumikha ng tinapay ay ibinabalik sa alaala ang gutom na naramdaman ng Israel sa ilang at ang kagandahang-loob ng Diyos sa pagbibigay sa kanila ng manna.
Dito ipinapalabas ng diyablo na kung siya ay may kapangyarihang makaDiyos, makakalikha si Hesus ng tinapay na inaasam-asam ng kanyang katawan.
Ang tugon ni Hesus: Sa buhay ng tao, ang Salita ng Diyos (10 Utos) ay kasing importante ng tinapay (Deuteronomio 8, 1-3).
Ayaw gamitin ni Hesus ang kanyang kapangyarihan para sa kanyang sariling kapakanan at tinatanggap niya anuman ang kalooban ng Diyos.

Ang ikalawang tukso ay nangyari sa mataas na lugar kung saan matatanaw ni Hesus at ng Diyablo ang buong mundo.
Ang pagsamba sa Diyablo, kung saan si Hesus ay tinutukso ay maaaring inaalala ang pagsamba ng Israel sa mga diyus-diyusan.
Mukhang may tradisyon, para sa mga Hudyo noon, na ang mga Kampon ng Kadiliman ay may kapangyarihang maghari sa buong mundo
- na ito ay mababago pagdating ng Mesiyas. Babawiin niya ang kapangyarihang maghari sa mundo.
- Ito ang dahilan kung bakit maaaring isuko ng diyabIo. Itong sitwasyon ito ang kanyang kapangyarihan kapalit ang pagsamba ni Hesus sa kanya.
- Tinanggihan ni Hesus ang ganitong panukala sa pamamagitan ng Kasulatan (Deuteronomio 6, 13)

Ang ikatlong tukso ay nangyari sa Jerusalem, ang bayan na ayun kay San Lucas ay ang sentro ng pagkilos ng Diyos.
Ang lugar na tinutukoy rito ay maaaring ang pinakaTIMOG na kanto ng Templo. Mula dito, maaari mong makita ang lambak ng Kidron (Kidron Valley), at isang malawak na lupain.
Ang mga tukso kay Lucas ay nagtatapos sa taluktok ng templo ng Jerusalem, ang bayang tadhana sa Lucas-Gawa. Sa Jerusalem haharapin ni Hesus ang kanyang tadhana. (Luc 9, 51; 13, 33).
Itong tuksong ito ay isang tangka upang piliting kumilos ang kamay ng Diyos.
Pati ang diyablo ay gumamit ng Kasulatan (Salmo 91, 11-12) upang bigyan katarungan ang kanyang panunukso.

Tatlong beses nanukso ang diyablo, at tatlong beses din pinatunayan ni Hesus ang kanyang katapatan sa Ama.
- Maaaring ang Israel ay hindi naging tapat sa ilan. Ngunit si Hesus ay laging mananatiling tapat.
Ang tagpo ng panunukso ay tapos na, ngunit ang engkwentro sa panig ni Hesus at ng diyablo at hindi natatapos.
- Ang diyablo ay lumisan lang ng ilang panahon.
- Ang pagkakataong hinihintay ng diyablo ay dumating bago mag-Pasyon si Hesus (Luc 22, 3. 31–32, 53).