ANG PITONG MGA HULING SALITA NI HESUS SA KRUS
Panimula
Sis. Melen Villafuerte: Ang Siete Palabras ay isang gawaing pang mga Mahal na Araw na karaniwang ginagawa sa Biyernes Santo simula ng alas-dose ng tanghali hanggang alas-tres ng hapon.
Dahil sa kakaibang kalagayan natin dito sa Milano, kung saan maski Biyernes Santo ay araw ng trabaho, ginugunita natin ngayon ang Siete Palabras bago pumasok ang mga Mahal na Araw upang magnilay at makiisa sa pagpapakasakit ng Panginoon.
Ang Siete Palabras 2026 ay maitutu-ring bilang isang “Recollection” na kinakailangan natin upang lumago ang ating buhay espiritwal.
Magsitayo ang lahat para sa Pambungad na Awit
Pambungad na Awit
Come, Holy Spirit
Come, Holy Spirit, we need you
Come, Holy Spirit, we pray
Come in your strength and your power
Come in your own special way.
Come like a spring in the desert
Come to the withered of soul
Lord, let your sweet healing power
Touch us and make us whole
Halina, Espiritu Santo
Kinakailangan kita
Sigla at lakas ng mahina
Pag-asa ka naming lahat
Halina, tulad na batis
Sa aming kaluluwa
Taglay ay kapangyarihan
Sa lahat ay kalusugan
Pambungad na Panalangin
Spontaneous prayer by anyone assigned to pray.
Pagbasa
Sis. Melen Villafuerte: Manatili tayong nakatayo habang pinakikinggan ang Pagbasa ukol sa Unang Huling Salita – “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.”
Sis. Carina Castrence—FCSL Volunteers:
Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Lucas.
Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”
Lucas 23:33-34
Pagninilay
Sis. Melen Villafuerte: Ang Unang Huling Salita ay nakatuon sa pagpapatawad. Ang pagninilay ay ibabahagi ni Bro. Leonardo Cabrera—Missionaries of Mary Mother of the Poor (MMMP).
Bro. Leonardo Cabrera—Missionaries of Mary Mother of the Poor (MMMP)
(max 12 min)
Pagpapatotoo
Sis. Melen Villafuerte: Pakinggan natin ang patotoo ni Sis. Hilda Mendoza—Missionaries of Mary Mother of the Poor (MMMP).
Sis. Hilda Mendoza—Missionaries of Mary Mother of the Poor (MMMP):
(max 7 min)
Panalangin
Sis. Melen Villafuerte: Magsiluhod ang lahat para sa panalangin. Ang panalangin ay pangungunuhan ni Sis. Mabel Falcotelo—FCSL Volunteers.
Mabel Falcotelo—FCSL Volunteers:
Manalangin tayo. Panginoon, tunay ngang isa sa mga itinurong salita sa amin mula noong kami’y mga bata pa ay ang katagang – “Patawad.” Ngunit kinalauna’y ang salitang ito’y unti-unting nawalan na ng saysay. Minsan, kay daling sabihin ngunit kayhirap dibdibin. Madalas, kayhirap magpa-kumbaba upang ito’y hingin. Pinangu-ngunahan kami ng yabang o di naman kaya, ng galit.
Iwaksi mo ang yabang sa amin Panginoon. Turuan mo po kaming magpakumbaba —na walang sinuman sa amin ang nakaaangat sa kahit kani-numan sapagkat nilikha mo kaming mga anak mo na pantay-pantay.
Alisin mo rin ang galit sa aming mga puso Panginoon—upang matuto rin kaming magpatawad ng buong puso—na walang hinihinging kapalit o kondis-yon. Turuan mo kaming magpatawad na tulad ng pagpapatawad mo sa amin.
Patawarin mo po kami Panginoon sa mga sandaling kami ay naging madamot, makasarili, o gahaman sa kapangyarihan, salapi o tagumpay. Sa mga sandaling nalilimutan namin ang kapakanan ng iba at tanging pansariling kaligtasan o kalusugan lamang ang aming iniisip at binibigyang pansin, patawad.
Patawarin mo po kami sa lahat ng aming pagkakasala sa aming mga sarili, sa aming kapwa, sa lipunan, maging sa Inang Kalikasan. Sa lahat ng pagkaka-taong kami’y nagkasala, ito’y mga pa-nahong nalilimutan namin kung gaano kalaki ang pagmamahal mo sa amin.
Kaya’t sana’y patuloy at paulit-ulit mo kaming patawarin sa aming kamangmangan sa iyong pag-ibig—sapagkat kadalasa’y hindi namin nalalaman ang aming ginagawa. Amen.
Pagbasa
Sis. Melen Villafuerte: Magsitayo tayong lahat at pakinggan ang Pagbasa ukol sa Ikalawang Huling Salita – “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”
Tagabasa 2—FCSD:
Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Lucas.
Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.” Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”
Lucas 23:39-43
Pagninilay
Sis. Melen Villafuerte: Ang Ikalawang Huling Salita ay nakatuon sa kaligtasan. Ang pagninilay ay ibabahagi ni Bro. Mario Parungao—God Shepherd.
Bro. Mario Parungao—God Shepherd
(max 12 min)
Pagpapatotoo
Sis. Melen Villafuerte: Pakinggan natin ang patotoo ni Sis. Maribel Rivera—God Shepherd.
Sis. Maribel Rivera—God Shepherd:
(max 7 min)
Panalangin
Sis. Melen Villafuerte: Magsiluhod ang lahat para sa panalangin. Ang panalangin ay pangungunuhan ni Panalangin 2—FCSD.
Panalangin 2—FCSD:
Manalangin tayo. Panginoon, tunay na napakadakila ng pagmamahal mo sa amin. Hindi mo kailanman ninais na kami ay iwan. Hanggang sa huling sandali, naririyan ka at naghihintay sa aming pagbabalik-loob.
Katulad ng ginawa mong pagpapatawad sa magnanakaw na nakabitin sa iyong tabi, patawarin mo po kami sa maraming sandali na kami’y nagnanakaw.
Sa pagnanakaw namin sa bayan sa tuwing hindi namin ginagampanan ang sa ami’y iniatas na tungkulin bilang mamamayan o tagapaglingkod man. Sa pagnanakaw namin ng katarungan sa tuwing tinatakasan o sinusuhulan namin ang batas.
Sa pagnanakaw namin ng katotohanan sa tuwing kami’y nagsisinungaling, nagpapakalat ng pekeng balita o naninira ng kapwa. At sa pagnanakaw namin ng buhay sa tuwing kami’y nawawalan ng pakialam sa kapakanan ng aming kapwa.
Patawarin mo po kami Panginoon sa mga sandaling kami’y nagiging ganid. Lalo na sa panahon ng krisis na ito kung saan pinangungunahan kami ng takot na mawalan. Sa kagustuhan na-ming mailigtas ang aming sarili, naka-kalimutan namin ang iba—silang mga salat sa yaman na mas nangangailangan.
Patawarin niyo po kami sa tuwing kami’y napapariwa at naliligaw ng landas—sa tuwing kami’y nalulunod sa iba’t-ibang uri ng kamunduhan—kahalayan, droga, masasamang bisyo. Patawad sa mga pagkakataong kami’y lumalayo sa iyong pagmamahal.
Salamat po Panginoon sa patuloy na pagpapatawad. Sa walang sawang paghihintay. Sa pagsama sa amin sa lahat ng hirap na aming pinagdadaanan. Sa pag-akay sa amin sa masalimuot na biyahe ng buhay. Sa pakikiisa sa aming pagdurusa.
Naniniwala po kaming ang lahat ng ito’y nakalaang mangyari at marapat naming pagdaanan nang sa gayon ay maging karapat-dapat kami sa inilaan mong tahanan para sa amin.
Bagama’t aming nalalaman na kailanma’y hindi kami magiging karapat-dapat sa iyong kaharian kundi dahil sa yong grasya at awa kung kaya’t sinasambit mong maya’t-maya sa amin—ngayon di’y isasama mo kami sa iyong paraiso. Amen.
Pagbasa
Sis. Melen Villafuerte: Magsitayo tayong lahat at pakinggan ang Pagbasa ukol sa Ikatlong Huling Salita – “Ginang, narito ang iyong anak! … Narito ang iyong ina!”
Sis. Judith Mabaquiao—FCSL Liturgical Group:
Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Juan.
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.
Juan 19:25-27
Pagninilay
Sis. Melen Villafuerte: Ang Ikatlong Huling Salita ay nakatuon sa pagmamahal. Ang pagninilay ay ibabahagi ni Bro. Franz Hilman Ilao—FCSL Choir.
Bro. Franz Hilman Ilao—FCSL Choir
(max 12 min)
Pagpapatotoo
Sis. Melen Villafuerte: Pakinggan natin ang patotoo ni Sis. Marina Bautista—FCSL Coordinator.
Sis. Marina Bautista—FCSL Coordinator:
(max 7 min)
Panalangin
Sis. Melen Villafuerte: Magsiluhod ang lahat para sa panalangin. Ang panalangin ay pangungunuhan ni Sis. Elvira Ilot—Grupong Kinabibilangan.
Elvira Ilot—Grupong Kinabibilangan:
Manalangin tayo. Tunay ngang wagas mong isina-alang-alang ang aming kapakanan Panginoon nang ihabilin mo kami sa pagmamahal ni Inang Maria.
Sa kadakilaan ng iyong pagmamahal sa amin, habang nakabayubay ka sa krus, ibinahagi mo ang iyong pighati sa iyong ina – na labis ang pagdadalamhati nang mga sandaling yaon kasama ang iba pang mga naniniwala’t nagmamahal sa yo.
Sa kabila ng labis na hinagpis, hindi mo sila binigo, tiniyak mong sila’y may karamay sa isa’t-isa.
Tulad ni Inang Maria na naging matapat sa iyong habilin, nawa’y maging matapat rin kaming tagapangalaga ng aming mga magulang, asawa, kapatid, kapamilya at mga kaibigan.
Salamat Panginoon sa paghahabilin sa amin kay Inang Maria. Sa kanyang kanlungan kami’y nakadarama ng pag-asa. Ang kanyang malasakit at gabay ang nagtuturo sa amin patungo sa iyong walang hanggang awa.
Sa lahat ng dinaranas namin ngayon—kung saan may dumaraming bilang ng naghihirap at nangamamatay dahil sa digmaan, sakit, krisis ekonomika, at pagbabago ng klima—kami’y pawang mga batang paslit na wala nang mapupuntahan at mapaghihingahan kundi ang isang inang mapagkalinga, mapagmahal at handang dumamay.
Salamat Panginoon at ibinigay mo sa amin ang Iyong Ina upang makasama sa paglalakbay ng buhay. Salamat Panginoon. Salamat Maria, mahal naming ina. Amen.
Pagbasa
Sis. Melen Villafuerte: Magsitayo tayong lahat at pakinggan ang Pagbasa ukol sa Ika-apat na Huling Salita – “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
Tagabasa 4—FCGS:
Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Mateo.
Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lema sabachthani?” na ang ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Ito’y narinig ng ilan sa mga nakatayo roon kaya’t sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias!”
Mateo 27:45-46
Pagninilay
Sis. Melen Villafuerte: Ang Ikaapat na Huling Salita ay nakatuon sa dalamhati. Ang pagninilay ay ibabahagi ni Bro. Joel Atienza—Missionary Families of Christ (MFC).
Bro. Joel Atienza—Missionary Families of Christ (MFC)
(max 12 min)
Pagpapatotoo
Sis. Melen Villafuerte: Pakinggan natin ang patotoo ni Sis. Myrna Gutierrez—Missionary Families of Christ (MFC).
Sis. Myrna Gutierrez—Missionary Families of Christ (MFC):
(max 7 min)
Panalangin
Sis. Melen Villafuerte: Magsiluhod ang lahat para sa panalangin. Ang panalangin ay pangungunuhan ni Panalangin 4—FCGS.
Panalangin 4—FCGS:
Manalangin tayo. Panginoon, ngayon higit kailanman, sinusubok ang aming pananampalataya’t katatagan. Nababalot ng kadiliman ang buong mundo at bawat isa’y naghahanap ng kaliwanagan, naghahanap ng lunas, naghahanap ng kasagutan.
Gisingin mo sa aming diwa ang pagmamalasakit sa kapwa naming manlalakbay. Nawa’y maituon naming ang pansin hindi lamang sa sarili naming pangangailangan, kundi sa pangangailangan ng lahat. Sama-sama kaming naglalakbay. Sama-sama kaming nahihirapan. Sama-sama kaming maliligtas.
Sa paghahanap namin Panginoon, nawa’y matagpuan ka namin. Hayaan mong ang aming mga hinagpis at panaghoy ay siyang magsilbing taimtim na panalangin at maging daan upang mapalapit kami sa iyo.
Sa pagkakataong ito, tulad mo noon sa krus, ay hayaan mo kaming dumaing at damhin ang bawat hagupit ng aming pagdurusa upang maramdaman namin kahit kaunti ang iyong naging pagpapakasakit.
Hayaan mong magsumigaw kami’t magsumamo upang manumbalik kaming lahat sa piling mo, at nang sa gayo’y marinig namin ang malakas mong tinig na magsasabi sa amin, hindi mo kami kalian pa man pababayaan. Amen.
Awit ng Pagninilay
Awit ng Paghahangad
O Diyos, Ikaw ang laging hanap
Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga
Ika’y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay
KORO:
Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina’y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak
Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘Yo
Kaligtasa’y tiyak kung hawak Mo ako
Magdiriwang ang hari, ang Diyos, S’yang dahilan
Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makamtan (KORO)
CODA:
Umaawit, umaawit
Umaawit akong buong galak
Pagbasa
Sis. Melen Villafuerte: Magsitayo tayong lahat at pakinggan ang Pagbasa ukol sa Ikalimang Huling Salita – “Nauuhaw ako!
Sis. Rowena Piguing—FCSL Liturgical Group:
Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Juan.
Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya’t upang matupad ang kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo at inilapit sa kanyang bibig.
Juan 19:28-29
Pagninilay
Sis. Melen Villafuerte Ang Ikalimang Huling Salita ay nakatuon sa pagdurusa. Ang pagninilay ay ibabahagi ni Bro. Bienvenido Guevarra—Couples for Christ (CFC).
Bro. Bienvenido Guevarra—Couples for Christ (CFC)
(max 12 min)
Pagpapatotoo
Sis. Melen Villafuerte: Pakinggan natin ang patotoo ni Sis. Me Ann Bueno—Couples for Christ (CFC).
Sis. Me Ann Bueno—Couples for Christ (CFC):
(max 7 min)
Panalangin
Sis. Melen Villafuerte: Magsiluhod ang lahat para sa panalangin. Ang panalangin ay pangungunuhan ni Sis. Rita Arceo—Missionaries of Mary Mother of the Poor (MMMP).
Sis. Rita Arceo—Missionaries of Mary Mother of the Poor (MMMP):
Manalangin tayo. Panginoon, naging matindi at malabis marahil ang panunuyot ng iyong lalamunan kung kaya’t nabigkas mong ika’y nauuhaw. Ngunit sa halip na tubig ay maasim na pawang suka ang sa labi mo’y pinadantay. Taliwas na taliwas sa tubig ng buhay na ibinigay mo sa babaeng Samaritano—at sa aming lahat.
Ikaw ang tubig na nagbibigay-buhay. Ngunit madalas, kung saan-saan pa kami umiigib at sumasalok upang punan ang aming pagkauhaw—pagkauhaw sa pansin, sa karangyaan, sa tagumpay, sa karangalan. Hindi namin nalalaman, na ang lahat ng ito’y nag-uugat sa aming pagka-uhaw sa Iyong pagmamahal.
Maraming salamat Panginoon sa patuloy ng pagdaloy ng iyong tubig ng pagmamahal. Kailanman, hindi mo ito ipinagkait sa amin.
Kami ang may malabis na pagkukulang sa iyo. Marahil ang iyong pagkauhaw ay pagkauhaw mo sa aming pansin. Kami na halos lamunin ng makamundong sistema ng lipunan. Nauuhaw ka marahil sa aming pagbabalik-loob mula sa aming gawaing masasama.
Sa iyong tubig na nagbibigay-buhay, matuto rin nawa kaming ibsan ang pagkauhaw ng aming mga kapwa—silang mga nangangailangan … lalo na sa panahon ngayon ng krisis—nawa’y mabuksan ang aming mga mata’t isipan sa kung sino ang mga tunay na nagugutom at nauuhaw—at magkaroon nawa kami ng sapat na tapang at kakayahan upang sila’y matulungan.
Nawa sa bawat mong daing ng pagkauhaw, kami’y tumugon ng buong-buo at walang pag-iimbot—kasabay ng pagkilos para sa aming kapwa, upang sa gayon kami’y makarating sa lugar at panahon kung saan rumaragasa ang iyong tubig ng buhay at hinding-hindi na kami kailan pa man mauuhaw. Amen.
Pagbasa
Sis. Melen Villafuerte: Magsitayo tayong lahat at pakinggan ang Pagbasa ukol sa Ika-anim na Huling Salita – “Naganap na!”
Sis. Servanda Talusan—Missionaries of Mary Mother of the Poor:
Mula sa Ebanghelyo ni San Juan.
Pagkatanggap ni Jesus ng alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.“Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”
Juan 19:30
Pagninilay
Sis. Melen Villafuerte: Ang Ika-anim na Huling Salita ay nakatuon sa pagbabayad ng kasalanan. Ang pagninilay ay ibabahagi ni Bro. Raffy Magnaye—FCSL Liturgical Group.
Bro. Raffy Magnaye—FCSL Liturgical Group
(max 12 min)
Pagpapatotoo
Sis. Melen Villafuerte: Pakinggan natin ang patotoo ni Sis. Edna Ilao—Elohim Catholic Charismatic Community of Gesù Salvatore (ECCC-GS).
Sis. Edna Ilao—Elohim Catholic Charismatic Community of Gesù Salvatore (ECCC-GS):
(max 7 min)
Panalangin
Sis. Melen Villafuerte: Magsiluhod ang lahat para sa panalangin. Ang panalangin ay pangungunuhan ni Marie Gertes—FCSL Liturgy Group.
Marie Gertes—FCSL Liturgy Group:
Manalangin tayo. Panginoon, sa gitna ng mga kaguluhan, banta ng pandaigdigang digmaan, at matinding krisis ekonomiko, tila nagaganap na rin ang iyong paghuhukom sa amin. Ito na nga ba ang aming napinpintong katapusan?
Sa krus binigyan mo kami ng pag-asa. Huwag mo kaming pababayaang malunod sa mga pagsubok. Sa krus binigyan mo ng kaganapan ang lahat ng iyong pangako—ang kaligtasan naming lahat. Nawa’y mamulat kami sa malalim na katotohanan at kahulugan ng iyong pagpapakasakit.
Nawa’y mapagtanto ng bawat isa sa amin na ang iyong sakripisyo ay hindi lamang kaganapan ng aming kaligtasan kundi kaganapan din ng aming pagbabago at pagbabalik-loob.
Nawa’y mamuhay kami ng naaayon sa kaganapan ng iyong hirap at pasakit. Turuan sana kami ng kasalukuyang krisis na manumbalik sa daigdig na iyong ninais para sa amin kung saan naghahari ang kabutihan, kapayapaan at pagmamahalan.
Tulungan mo po kami Panginoon na mabigyang kahulugan ang kaganapan ng iyong paghihirap sa krus sa pamamagitan ng pamumuhay ng matapat, dalisay, moral at may pagmamalasakit sa kapwa at sa kalikasan. Amen.
Pagbasa
Sis. Melen Villafuerte: Magsitayo tayong lahat at pakinggan ang Pagbasa ukol sa Ikapitong Huling Salita – “Ama, sa mga kamay mo’y inihahabilin ko ang aking kaluluwa!”
Sis. Lucelyn Ganio—FCSL Liturgy Group:
Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Lucas.
Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo’y inihahabilin ko ang aking kaluluwa!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.
Lucas 23:46
Pagninilay
Sis. Melen Villafuerte: Ang Ikapitong Huling Salita ay nakatuon sa pagsusuko sa Diyos. Ang pagninilay ay ibabahagi ni Bro. Rodel Alamodin—Catholics for Family & Life (CFL).
Bro. Rodel Alamodin—Catholics for Family & Life (CFL)
(max 12 min)
Pagpapatotoo
Sis. Melen Villafuerte: Pakinggan natin ang patotoo ni Sis. Chique Uy—Catholics for Family & Life (CFL).
Sis. Chique Uy—Catholics for Family & Life (CFL):
(max 7 min)
Panalangin
Sis. Melen Villafuerte: Magsiluhod ang lahat para sa panalangin. Ang panalangin ay pangungunuhan ni Sis. Emma Montillana—FCSL Choir.
Sis. Emma Montillana—FCSL Choir:
Manalangin tayo. Panginoon, sa gitna ng hirap, sa gitna ng takot at sa gitna ng iyong pag-aagaw buhay, ipinakita mo kung paano dapat harapin ng bawat isa sa amin ang napipinto naming kamatayan.
Inihabilin mo sa Ama hindi ang iyong katawan kundi ang iyong kaluluwa—patunay na hindi natatapos ang aming buhay sa mundong ibabaw. Ito’y nagpapatuloy at nananatili matapos ang kamatayan.
Patnubayan, akayin at samahan mo kami Panginoon sa bawat takot namin. Takot sa mga sakit na hindi namin alam kung paano lunasan. Takot sa madilim na bukas hatid ng banta ng pandaigdigang digmaan. Takot sa mga hindi namin nakikitang kalaban.
Ngunit ang pinakamatinding takot na namamayani sa aming lahat ay ang takot sa kamatayan. Kamatayan na buong puso at buong tapang mong hinarap. Kamatayan sa krus upang kami ay mabuhay.
Kasabay ng paghabilin mo ng iyong kaluluwa sa Ama, inihahabilin rin namin sa yo ang kaluluwa ng mga mahal naming yumao.
Sa mga lumalaban, pati na rin at higit lalo sa mga pumanaw na walang kalaban-laban—nag-iisa at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sa panahong ito ng labis na takot at pangamba. Sa panahong ito ng matinding pighati. Isinusuko namin lahat sa iyo Panginoon ang aming buhay.
Binuksan ng krisis na ito ang aming mga mata at isip na hindi namin hawak ang aming kinabukasan. Na ang aming buhay ay wala sa aming mga kamay.
Kaya Panginoon, kami naman ang sa yo’y magsasabi at dadalangin, alisin mo ang takot sa aming mga puso. Pagtibayin mo ang aming pag-asa. Palakasin mo ang aming pananampalataya. Linisin mo po ang aming kalooban at hilumin ang aming bayan at buong sangkatauhan.
Upang sa gayon, buong pagtitiwala naming masambit—Sa Iyong mga kamay, inihahabilin namin ang aming kaluluwa. Amen.
Pangwakas na Awit
Sinong Makapaghihiwalay?
Koro:
Sino’ng makapaghihiwalay
Sa atin sa pag-ibig ni Kristo?
Sino’ng makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng Diyos?
Paghihirap ba? Kapighatian?
Pag-uusig o gutom o tabak?
At kahit na ang kamatayan
Walang makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng Diyos.
(Koro)
Ang Ama kayang mapagtangkilik
O anak na nag-alay ng lahat
Saan man sa langit o lupa
Walang makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng Diyos.
(Koro)
Kung ang Diyos ay nasa panig natin
Ano pa nag dapat na ipangamba?