
- Ang sipi ay tila bagang pagkadugtong-dugtong ng mga hindi magkakaugnay na aral ni Hesus na pinagsunod-sunod lamang ni Lucas
- Maaari din na ito ay halimbawa ng estilo ng pagtuturo ng mga Rabbi kung saan sila ay nagbibigay ng iba’t-ibang paksang pinag-uusapan upang mahatak ang atensyon ng mga tagapakinig.
- Sa mga paalala ni Hesus ay matutunghayan ang mga PRINSIPYO NG BUHAY para sa mga disipulo ni Kristo.
1. Ang unang punto ay ukol sa anong klaseng guro ang dapat mong sundan at tularan
2. Ang ikalawa ay ang ugnayan ng MGA SALOOBIN ng tao sa kanyang PAGKILOS
– Ang PANLABAS NA PAGKILOS ay nagmumula sa SALOOBIN ng iang tao
– Ang mga ginamit na metapora ni Hesus upang bigyan diin ang kanyang punto ay hango mula sa Kalikasan

1.Ang sipi ay tigib ng ”BIAS SA KALALAKIHAN” (MALE BIAS)
– Ang disipulo at guro = Lalake
– Yung Kapatid (Brother) na itinutuwid = Lalake
2.Ipinapakita ng sipi ang makitid na LIPUNANG NAKATUON SA KALALAKIHAN noong panahong iyon
3.Ngunit ang mensahe ay talagang para sa lahat (lalake at babae) at hindi lamang para sa mga babae

1.Ang pagtuturo ay nagsimula sa pamamagitan ng dalawang RETORIKANG TANONG Kung saan ang mga kasagutan ay MALINAW
+ Sa Una – HINDI PO!
+ Sa Ikalawa – OPO!
2.Sa paniwala ng maraming dalubhasa, ang sipi ay isang patagong (o di-hayagang) kritisismo sa mga eskriba at pariseo (sila ang mga opisyal na tagapagturo sa Israel). Sila ang mga tunay na BULAG
v.39 – Ang mga bulag = mga guro na hindi nila alam kung saan sila pupunta at hindi nila magagabayan ang iba. Madalas sila ay arrogante at matuwid ang tingin sa sarili (self-righteous)
3.Maaari hindi ito ang tunay na layunin ni Hesus dahil sa pagpapatuloy ng sipi, hinamon ni Hesus ang kanyang mga dispulo na maging kritikal sa kani-kanilang sariling pagkilos at pag-uugali.
– Debate – kung ang mga Pariseo ang tinutukoy ni Hesus o nagbibigay lamang ng babala si Hesus ukol sa mga delikadong saloobin sa kanyang mga alagad.
+ dahil nakaPOKUS si Hesus sa mga Disipulo, tila yung saloobin nila ang hinihubog ni Hesus
+ Bagamat tumutukoy din ang pahayag sa mga guro na kumukontra kay Hesus.
– Hindi mo na kailangang lumayo pa mula sa hanay ng mga disipulo upang makita ang mga pag-uugali at pagkilos na dapat siphayuhin.
+ Mukhang may mga disipulo na hindi nakukuha ang mga itinuturo ni Hesus
+ Kaya sila ay pinararatangan ni Hesus na masyadong silang mabilis humusga sa pagkakamali/pagkukulang ng iba. Gayong bulag sila sa sarili nilang mga pagkukulang
+ Sa ganitong pamamaraan, sila ay NAGMIMISTULANG mga HUKOM
– Mga BULAG na umaakay sa KAPWA BULAG
– Imbis na mga Hukom, ang mga disipulo ni Hesus ay dapat MABILIS MAGPATAWAD kaysa humusga.
v.40 – Dahil ng ang disipulo ay magiging katulad ng kanyang guro, mag-ingat tayo sa pagpili ng ating mga guro.

- puwing – isang maliit na pagkukulang (pagkakamali) sa ibang tao
- tahilang (plank) – isang malaking pagkukulang (pagkakamali) sa siyang pumupuna

Ang mapagkunwari / ipokrito (Hypocrites) (Griyego ng “Actor” o “Artista” o “Umaarte”) ay mga tao na ang kanilang pamumuhay ay hindi umaayon sa kanilang panloob na disposisyon.
– Ang kritikal sa iba nang hindi nagiging kritikal sa sarili ay pinararatangan bilang mapagkunwari

Gumamit si Hesus ng mga halimbawang hango mula sa kalikasan upang bigyan diin ang kanyang punto
1.Ang bunga ng puno ay naayon sa kalidad ng puno
– Mabuting puno, mabuting bunga
– Bulok na puno, bulok na bunga
– Puno ay Igos, bunga ay Igos
– Puno ng ubas, bunga ay ubas.

Ngayon naman ay INILAPAT ni Hesus ang KAHULUGAN ng mga METAFORA (tayutay) sa mga tao
– Ang TAONG MABUTI – magbubunga ng Mabuti
– Ang TAONG MASAMA – magbubunga ng Masama
– Ang PAGKILOS ay pag-uumapaw ng nilalaman ng dibdib (ng puso)
Bagamat totoo ang prinsipyong ito, pwede din naman MABAGO ANG SALOOBIN kung babaguhin ang estilo ng pamumuhay.
KAILANGAN MAGKATUGMA ang PANLOOB NA DISPOSISYON (SALOOBIN) sa PANLABAS NA PAGKILOS
– Sa mga taong tumutugma ang dalawa, MAY INTEGRIDAD ANG PAGKATAO
– Sa mga hindi tumutugma ang dalawa, MAY IPOKRISIYA / PAGKUKUNWARI / PAGBABALATKAYO