Salubong 2022

1. Ang mga tao ay nakaupo sa kani-kanilang mga lugar sa loob ng Basilica.

2. Ang Pari at ang mga makikilahok sa Santa Misa ay nasa likod ng Basilica, malapit sa pangunahing pinto.

3. Ang estatwa ng Risen Lord (RL) ay nasa harap ng Pari.
4. Ang estatwa ng Mahal na Ina (BVM) ay nasa likod ng Altar.

Namumuno:  Mga minamahal na kapatid, ang Salubong ay isa sa mga natatanging pagdiriwang sa ating bansa. Para sa ating mga mananampalataya, hindi lamang ito isang kaugalian kundi isang pagpapahayag ng katotohanan ng ating pananampalataya na ang Kristong dumanas ng sakit at kamatayan ay ang parehong Kristong ngayong ipagdarangal sa kanyang muling pagkabuhay.

Sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas at ng buong mundo, tila napakahirap magsaya at magalak. Sa mataas na bilang ng mga apektado ng COVID-19 at digmaan sa Ukraina, Gitnang Silangan, at iba pang bahagi ng mundo, parang walang pag-asa na natatanaw. Ngunit ang lahat ng hirap natin ay hindi maihahambing sa pagpapakasakit na dinanas ni Hesus at ng ating Mahal na Ina.

Sa masasaksihan nating pagsalubong ng Mahal na Ina sa nabuhay na muling si Hesukristo, ating nawang salubungin ang hatid nitong bagong buhay sa kabila ng kapighatian. Igulong ang nakapinid na bato sa ating puso at palayain ang pagkamangha at pananabik sa pag-asa. Tayo na at makigalak sa muli nilang pagkikita. Mamangha tayo sa kapangyarihan ng Diyos Ama.

5. Lalakad ang estatwa ng BVM na may BELONG ITIM sa kanyang ulo. (Maaari siyang sundan ng mga kababaihan)

6. Ang BVM (nakaharap sa Altar) ay sasalubungin ng RL (nakatalikod sa Altar).(Maari siyang sundan ng mga Kalalakihan). Ang kanilang mga estatwa ay tatayo nang magkaharap (face-to-face)

Namumuno:  Maaari na po tayong bumalik sa ating mga upuan at magsiupo habang sinusubaybayan natin ang SALUBONG.

7. Isang ANGHEL ang darating upang alisin ang BELONG ITIM mula sa ulo ng BVM habang ang REGINA CAELI (o ALELUYA) ay inaawit ng koro.

8. Habang inaawit ang REGINA CAELI o ALELUYA, pagtatabihin sina RL at BVM … at sabay silang lalakad papunta sa harap ng pangunahing pinto ng Basilica para sa simula ng prusisyon ng Misa.

PARI: Manalangin Tayo. Dakilang Ama, Salamat sa katuparan ng iyong pangako. Salamat sa pagliligtas sa pamamagitan ng mga sugat ng iyong Anak. Sa araw na ito sa aming nasaksihan na Salubong, hayaan mo rin na aming salubungin ang bagong buhay, ang bagong pag-asa, ang bagong pagkatao na handog mo sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong muling nabuhay, Panginoon naming naghahari ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

9. Pagkatapos ng Panalangn, ang Pari ay tatabi at ang mga DANCERS ay pangunugnahan ang mga estatwa ng BVM at RL.
1-KOA na may hawak ng Insenso
2-Dancers
3-BVM
4-RL
5-Mga Lingkod sa Banal na Misa

10. Sila ay sasayaw sa saliw ng masayang Pambungad na Awit hanggang makaabot sa harap ng Altar.

11. Ang mga estatwa ay ilalagay sa kanilang wastong lugar sa harap. Ang RL ay nasa gawing kaliwa ng Altar at ang BVM ay nasa gawing kanan. Magkaharap sila sa isa’t-isa.

12. Sasayawin ng mga Dancers ang “CHILDREN OF EASTER MORNING”

13. Exit ang mga dancers.

14. Iinsensuhan ng Pari ang Altar, at ang mga estatwa ng Panginoong Muling Nabuhay at Mahal na Ina

15. Babasahin ng Namumuno ang mga PAMISA sa araw na ito.

16. Magpapatuloy ang Misa sa pag-awit ng Koro ng LUWALHATI habang pinatutunog ng KOA ang mga kampana

Maraming Salamat sa lahat ng mga nagsilahok upang maganap ang Salubog 2022 sa FSCL.

Namumuno: Sis. Mabel Falcotelo
Servers: KOA
Angel: Czyra Atienza, Cora-Joel Atienza
Dancers: FCSL Youth, MFC Youth, Gloria Ona
Singers: FCSL Choir ft. Allan Hernandez
Statues: Ricky-Ytze Sahagun, Lauro Baybayan, Elbert Benliro
Over-all In-charge: Gianmarco Salinel & Carina Castrence

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *